Hindi magpapatalo ang Bohol pagdating sa mga magagandang tanawin. Mabibilang na dito ang Chocolate Hills, Sagbayan Peak, Camogao Falls, Mag-aso Falls, Panglao White Sand Beach at iba pa. Hindi lamang ang mga nabanggit ang magandang pasyalan, narito rin ang ISOLA de Francesco o kilala noong Virgin Island.
Ang Pungtod Island o ngayon ay kilala bilang "Isola de Francesco" o Virgin Island, isang 17,000 square meter pribadong may-ari ng isla sa baybayin ng Panglao. Ipinangalan ito ni Francesco Forgione, na kilala bilang Padre Pio. Ang isla ay ipinaglihi ng mga may-ari upang maghatid ng lumalagong bilang ng mga deboto sa Padre Pio sa Bohol at itaguyod ang debosyon sa monghe ng Capuchin ng Italyano na siyang unang pinahihintulutang pari sa kasaysayan ng Simbahan. Ang isla ay kilala rin ng mga naninirahan bilang "Nakatagong oasis". Madali na dumating dito. Kunin mo lang ang libreng yellow shuttle boat malapit sa St. Agustin Catholic Church sa Panglao.
Napagdesiyonan naming magkakaibigan ang mamasyal. Sa
kadahilanang, may mga kaklase narin akong nakapunta na sa Isola de Francesco ay
nainganyo din kami. Nagkita-kita kami sa malapit na bake shop sa aming
paaralan. Si Gody, Grace , Leslie,Earl, Roga at Ellen ang masayang pupunta sa
Isola. Sobrang saya namin sapagkat ito ang unang pagkakataong makapaglakbay kami ng aking mga kaibigan. Nakapaglakbay man noon ngunit sa malapit lamang, itong karanasang ito ay limitan lamang sapagkat handa kaming dumayo ng malayo sa maranasan ang ganda ng Isola.
Sumakay ng multicab patungong Tagbilaran. Sobrang saya namin
dahil na rin unang beses namin mamasyal na magkakaibigan. Pagkuha ng litrato
ang naging libangan namin habang nakasakay.
Naghanap kami ng sakayan papuntang Panglao Island. Mabuti
nalang at mayroong maaga ang byahe. Paniguradong malaki-laling oras ang aming
magagamit sa byahe dahil malayo-layo ang Panglao Island sa syudad. Bago kami
tuluyang sumakay ay bumili muna kami manga'ng hilaw. Si Roga ang taga bitbit ng
aming pinamili.
Halos dalawampong minuto o higit pa din ang tagal ng byahe.
Pagdating namin sa Panglao ay dumiritso kami sa kanilang Plaza. Maganda ang Panglao
Plaza, may malaking espasyo para makapaglaro ang mga bata at makapasyal.
Malaki
din ang kanilang palengke. Matayog ang kanilang munisipyo na pinaliligiran ng berdeng
mga halaman at magagandang bulaklak. Mayroon din sila 7/11 kung saan makakabili
ng iba't ibang kakailanganin. Kung gusto bumili ng ulam , may karenderyang
handa magserbisyo sa iyo, isama na dito ay tindahan ng fried chicken at lechon
manok.
Nakaparada na rin ang mga "habal-habal" kung
sakaling may gusto magpahatid, ngunit medyo malaki-laki ang ibabayad mo kesa sa
maghanap ka ng pedecab.
Bumili kami ng makakain sa aming paglakbay, para di magutom
at hindi maubos ang enerhiya. Salamat kay Junavic Yap na siyang gumastos para
sa amin.
Dadaan ka muna sa simbahan ng Pangalo bago makarating sa
sakayan ng bangka patungong Isola de Francesco. Malaki din ang simbahan nila,
eksaktong magdaan namin ay mayroong kasalang naganap. Sumilip kami ng saglit.
Nilakad lang namin yun, sa kilid ng simbahan ay mayroong
watchtower katulad ng sa Punta Cruz. Nalibang kami sa pagkuha ng litrato. Mayroon
lamang makitid na daan papunta sa sakayan. Noong isang linggo bago kami pumunta
sa Panglao ay kapistahan nila, ebidensya ng masayang kapistahan ang perya na
nandoon.
Kumain muna kami bago pumunta sa sakayan ng bangka sapagkat bawal
ang pagdadala ng pagkain sa isla para mapanatili ang kalinisan ng paligid. Sa
sakayan palang ay sobrang excited na kami, may dalawang klaseng bangka na puydi
mong sakyan ang special na naghahalaga ng 1,200 pesos at ang shuffle kung saan donasyon
lamang ang iyong ibibigay. Ang byahe ay nasa dalawampong minuto lamang.
Ang saya, ang sarap sa pakiramdam na ang preskong hangin ay humahampas
sa iyong mukha. Napakalinaw ng tubig, nakikita namin ay mga halamang dagat. Ang
iba sa amin ay unang beses pa lang nakaranas sumakay sa bangkay habang ang iba
ay maraming beses na. Si Gody ang taga kuha ng larawan at video namin habang
nakasakay sa bangka.
Habang papalapit na kami sa isla ay tanaw tanaw namin ang
watawat ng Pilipinas na nagwawagayway dulot ng lakas ng hangin.
Maraming turista ang nandoon. Iba't ibang klaseng
nasyonalismo ang nandoon ngunit magkatulad ang ninanais, ang maglakbay sa isang
relihiyosong lugar. Napakapayapa ng lugar na ito, nararapat para magmuni-muni at magdasal.
Bubungad sa inyo ang malaking estatwa ni Padre Pio, nasa haba nito. Kulay ginto , at puydi kang magpakuha
ng larawan doon. Napakapayapa ng lugar na ito, maririnig ang huni ng mga ibon na nasa paligid.
Kung gusto mo namang bumili ay mayroong canteen para sa mga
turista. Donasyon lang din ang ibibigay mo. Sa harap nito ay mayroong lugar
kung saan bawal mag ingay. Puno ang lugar na gawa sa "amakan",
ginagamit sa pagtatayo ng bahay na kadalasang pangdingding ng bahay na gawa sa
kawayan. Halos mapuno ang lugar na yon ng mga litrato ni Padre Pio.
Kung maglalakad lakad ka lang ay puydi mo ring kuhana ng
litrato ang iba't ibang santo na nandoon.
Ang C.R nila ay sobrang linis at puno ng palamuti. Nagkalat
din ang mga kalapati sa lugar. Nang kami ay naghanap ng masisilungan pang protekta sa matinding init ay amin ding pinakain ang mga kalapati na lumalapit sa amin.
Kahit ang tindi ng sikat ng araw ay handa kaming makipaglaban para lang maaliaw at masulit ang aming paglalakbay.
Napagdesisyonan namin na mag "kayak" , donasyon
lang din ang ibibigay. Pipirma ka muna ng waver para makakayak kasama ang iyong
mga kaibigan. Para maging ligtas ay susuotan kayo ng life vest.
Sa dagat nandoon makikita ang mga rebulto nina Mama Mary at
Papa Jesus pati na rin ang 12 Apostles. Mayroon din museum doon at simbahan.
Ang misa ay nasa ika-23 ng buwan , sa alas dyes.
Kay ganda pagmasdan ang sand bar na nandoon sa isla.
Kasama
ang aking mga kaibigan ay nagliwaliw kami doon. Tagbo, lakad, takbo ang ginawa
namin hanggang sa maaot namin ang dulo ng sand bar.
Naligo kami roon dahil
hindi masyadong mataas ang tubig. Hindi mawawala sa amin ang litratong nakukuha
tuwing may pagkakataon.
Para masulit at maipakita ang ganda ng lugar ay klase
klaseng larawan ang aming nagawa. Porma doon, porma dito.
Nang medyo napagod na kami ay sumilong kami sa lilim ng isang maliit na halaman.
Mayroon pang parte ng isla ang hindi namin napuntaha, pero handa kaming bumalik ulit dahil ang paglalakbay namin sa Isola ay isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin. Mas naging matatag ang aming pagkakaibigan at nakaplanong maglalakbay ulit sa susunod na panahon.
Umuwi kami sa Isola de Francesco nang alas dos ng tanghali
sapagkat ang bangka na aming sasakyan ay hanggang alas dos medya lamang. Bago
kami umuwi ay sumulat kami sa reaction notebook na nandoon kung anong reaksyon
mo sa lugar.
Sobrang saya ng paglalakbay namin. Kahit naiwan ang t-shirt
ni Roga sa 7/11 paguwi namin ay okay lang basta naaliw kami. Paguwi kina
Junavic naman kami dumiretso, gusto pa sana naming mamasyal sa Cliff Dive ay
hindi na natuloy dahil dapit hapon na at kailangan na naming umuwi.
Kay ganda ng ISOLA de Francesco. Hindi ka magsasawang bumalik ulit. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay handa kaming magkakaibigan na bumalik ulit.
Sa paglalakbay namin ay mas nangingibabaw ang masasayang ala ala na aming nabuo. Hindi man lahat nakuha sa larawan ay mananatili ang bawat karanasan na buhay sa aming puso at isipin. Kailanman hindi ito matatabunan ng iba pang mga ala-ala. Ang aking mga kasama sa grupo na ito ay sina Leslie Tugap, Godfrey Garsuta,Earl GiaN Monteza,Ellen Manito,Rogaciano Labao at Junavic Yap.
napakaganda ang nagawang lakbay sanaysay
TumugonBurahinMga kasama sa grupo;
BurahinRogaciano Labao
Junavic Yap
Godfrey Garsuta
Earl Giann Monteza
Ann Leslie Tugap
Ellen Mae Manito
Mary Grace Restaura